Tuesday, November 25, 2014

Paano Mababawasan ang Stress? 8 steps


BAWASAN ANG STRESS SA IYONG BUHAY!



  1. Iwasan ang mga taong hindi nagpapasaya sa 'yo. Kung ang lagi mong nakakasama ay walang ginawa kundi mang asar, lalo lang silang makakadagdag sa iyong problema. Humanap ka na ng ibang taong may saysay ang sinasabe, someone who really cares di ba.
  2. Pagtuunan ng pansin kung ano ang meron ka, hindi yung wala ka. Huwag kang manood ng TV. Sa laki ng ginagastos ng mga nag-eendorso ng kani kanilang mga produkto, tyak na mahuhumaling ang mga mamimili. HUWAG kang magpadikta sa sinasabi ng mga patalastas! Ikaw ang masusunod sa buhay mo.
  3. Hwag Mashadong Pagkaisipin Ang Mga Bagay Na Hindi Pa Nagngyayari. Walang sinoman ang nakakaalam ng future. Subukan mong mabuhay para sa ngayon, ang bukas ay hindi pa nagaganap at marami pa ang pwedeng mangyari. Lalo ka lang tatanda at hihina dahil sa kakaisip. 
  4. Mabuhay ka! Huwag mong tignan ang buhay ng ibang tao. May sarili kang adventure! Maaari kang magkamali, madapa, masaktan at matalo sa kung saan, Pero that is the joy of being human! Hwag kang stupid para husgahan ang buhay ng ibang tao - wala rin silang pakealam sa yo. Hinihintay ka lang nilang magkamale, so what?! Hayaan mong maranasan ang kabuuan ng pagiging tao. Mabuhay ka!
  5. Tigilan mo ang problema ng iba. Kahit isang beses lang.. Hwag mong mashadong pagkaisipin ang problema ng iba. Responsibilidad nila ay hwag mong akuin. Magandang maging pagpapala sa iba pero Hindi sa lahat ng oras ay makikisawsaw ka sa problema ng iba. May mga bagay na sadyang nangyayari upang tayo ay matuto. Kung tumulong ka, magtagumpay o mabigo ka man, ok lang. May buhay ka rin na tinatahak. Siguro panahon na para matuto sila na malutas ang sarili nilang problema diba? Marami kang problema at sinusubukan mong solusyonan lahat, pero kung hindi mo kaya... pray to God.  
  6. Move On din, kapag may time. May kasabihan nga tayo sa English: "The Past is History, the future is a mystery, but today is a gift; that is why it is called the present". Ang nakaraan at hinaharap ay pareho lang -- nagbibigay sayo ng takot! Let go of that fear at mabuhay ka sa kasalukuyan. 
  7. Matutong Magpatawad. Ilang taon ang masasayang mo kung malalaman mo lang na ang galit mo sa isang tao ay nakakasakit lang sa yo. Hindi lang sa emosyon kundi sa kalusugan din. Ang epekto ng galit ay unti-unting kakainin ang iyong oras, pag-iisip, katawan, kaluluwa, at kung anong meron ka pa; hanggang sa isang araw ay bitter na tao ka na, puro negative na ang manggagaling sa yo. Walang humihila sayo pabalik sa sakit na iyong naranasan, maging malaya ka sa sama ng loob.. matuto kang magpatawad - para din ito sa 'yo.
  8. Iwasang Magreklamo. Lalo na sa mga bagay na hindi mo mababago. Laging may mananalong corrupt sa eleksyon, laging may tax, laging may mga driver na pasaway, laging may sisingit sa pila at nagkekwentuhan lamang na mga empleyado. Ang maganda ay nararanasan natin sa buhay ang lahat na kaya nitong ibigay sa atin: ang mabuti, masama, maganda at pangit. Ang pagkainis mo ay hihilahin ka lang pababa sa kalungkutan. Kay sarap maging tao at mabuhay sa hindi perpektong mundo - dahil itong hindi perfect na mundo makes life perfect & worth living. Hindi lahat ay perpekto, at lahat nang ito, lahat ng bagay ay nanjan para din sayo.









No comments:

Post a Comment