Sunday, January 29, 2012

FPJ story ( Ang istorya ni FPJ)

Chapter I   
Ang Puno sa Gubat

Si Fpj ay isang mareklamong tao na nakatira sa kagubatan, sa bundok ng Tralala, at siya ay napakareklamong tao.  Minsan ay may nakita siyang puno at ang kanyang sinabi:  ``Napakabaho naman dito at napakadilim, ah itong punong ito ay napakabaho at nagpapadilim dito sa lugar na ito. Kukuha ako ng itak upang putulin ito sapagkat napakapakabaho dito.``  At kumuha siya ng itak upang putulin ang puno. ``Puputulin ko na ang punong ito sapagkat napakapakabaho, walang kasing baho, napakadilim, nakaharang sa aking daan at masakit sa aking mga mata``. Nang puputulin na niya ang puno ay bigla na lamang itong nagsalita (sa boses ng isang babae): ``Hwaag! Hwag mo akong putulin! maawa ka sa akin!``. Nagulat si Fpj, ang sabi niya ``totoo ba ito, nagsasalita ang puno?`` ``Oo ako nga, ako nga ay isang punong nagsasalita``, ang sabi ng puno. Sabi ni Fpj ``kailangan kitang putulin sapagkat napakapakabaho dito, walang kasing baho, at napakadilim, at nakaharang ka sa aking daan, at masakit sa aking mga mata na ikaw ay aking nakikita.``
Ngunit sumagot ulit ang nagsasalitang puno ``Hwaag! mahabag ka sa akin. Bibigyan kita ng SUPOT, (supot na tela)  at hindi lang basta SUPOT. Isang mahiwagang SUPOT: na kapag ipinasok mo ang iyong kamay sa loob ay makakukuha ka ng gintong pera, at hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, hindi rin apat na piraso, kundi ang gintong pera na nakukuha dito ay hindi nauubos``  ``Ha?! Ganon? AKina ang supot at aking titingnan kung totoo nga ang iyong mga pinagsasabing puno ka``. At nagulat si Fpj nang may nakuha siyang isang gintong pera, at isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa pa,. ``Aba.. totoo nga ang iyong sinasabi! hahaha! marami na akong pera. At sige, hindi na kita puputulin nagsasalitang puno, dahil binigyan mo ako ng isang mahiwagang SUPOT ay hindi na kita puputulin``.

   Lumipas ang isang araw... At isa pang araw... Si Fpj ay marami nang nabili sa pamamagitan ng kanyang mga gintong pera na nakukuha niya sa SUPOT. Muli na naman siyang napagawi sa nagsasalitang puno at ngayon ay may dala naman siyang Palakol.  Palakol upang putulin ang punong nagsasalita. Kayat nagsalita muli ang puno: ``Hwag! hwag mo akong putulin, hindi bat ang sabi mo ay hindi mo na ako puputulin sapagkat binigyan na kita ng mahiwagang SUPOT?`` ``Oo nga ngunit napakapakabaho dito, sobrang baho, at napakadilim, at walang makadaan na hangin, at nakaharang ang punong ito sa aking dadaanan, kayat puputulin ko na ng aking palakol!``, sabi ni Fpj. Ngunit sumagot muli ang puno `` Sandali! mayroon akong ibibigay sayo na isang DAMIT! isang mahiwagang DAMIT!, Hwag mo lamang akong putulin ay ibibigay ko sayo ang mahiwagang DAMIT na ito.`` ~~ ``Mahiwagang DAMIT? ngunit marami na akong damit at hindi ko na kailangan yan sapagkat kaya kong bumili ng higit pa sa isa, higit pa sa dalawa, higit pa sa isandaang damit! kaya hindi ko na kailangan yan, puputulin na kita!`` pagmamalaki ni Fpj. ``Pero ang DAMIT na ito ay kakaiba, hindi mo na kakailanganin ang maraming damit sapagkat nag iiba iba itong DAMIT na ito kung anong iyong nais na isuot. Kayang magbago ng damit na ito sa kahit anong gusto mong maging kasuotan!`` Dagdag pa ng puno. At napaisip ng kaunti, kurampot, at katiting na pag iisip si Fpj, at ang sabi niya ``Akina ang DAMIT at susubukan ko``. At sinuot niya ang DAMIT. At nagbago ito pagkalipas ng isang oras, at nagbago ulit, at nagbago ulit nang ayon sa kanyang kagustuhan,, at nagbago ulit ang damit... at nagbago ulit. At hindi na pinutol ni Fpj ang puno.

    Lumipas ang isang oras, ang dalawang oras, ang tatlong oras, ang isang araw, ang dalawang araw, at lumipas ang kaunting araw at hindi pa rin nakuntento si Fpj. Kumuha siya ng isang Power Saw! Oo isang Power Saw upang putulin ang puno.  Naisip niya ``siguradong mapuputol ko na ang punong yon gamit ang aking Power Saw, ha ha ha!``. At muli, siya ay lumapit sa puno upang putulin ito sa pamamagitan ng kanyang Power Saw. At muling nagsalita ang puno (sa boses pa rin ng isang babae) `` Hwaag! hwag mo akong putulin parang awa mo na! Hindi ba`t binigyan na kita ng Mahiwagang SUPOT, at ng mahiwagang DAMIT upang hwag mo nang ituloy ang pagputol sa akin?`` Sumagot si Fpj ``Oo nga binigyan mo nga ako ng mga yon, pero hindi yon sapat para mapigilan mo akong putulin ang punong ito. Dahil napakapakabaho dito dahil sa punong ito, sobrang baho, walang kasing baho, at napakadilim, at walang makadaan na hangin dahil nakaharang ka sa daanan ng hangin at sa aking daanan, at masakit sa aking mata, kaya`t puputulin ko na ang punong ito! heto naa!!``. (Napasigaw ang puno)`` Sandali! Bibigyan kita ng isang regalo para hwag mo na akong putulin! At siguradong magbabago ang iyong isip``.  Sumagot si Fpj ``At ano naman yan, siguraduhin mo lang na masisiyahan ako sa bagay na iyan, dahil kung hinde ay puputulin kitang talaga``. `` Isang BANGKO (upuan), ngunit hindi isang ordinaryong BANGKO (upuan). Mahiwaga ang BANGKOng ito sapagkat lumilipad ang BANGKOng ito at dadalhin ka kung saan mo ibigin, sabihin mo lamang.`` sabi ng puno. Ngunit sumagot si Fpj `` Saan naman ako pupunta? Hindi ko na yan kailangan dahil wala naman akong ibang lugar na gustong puntahan.`` At sumagot ang puno ``Sa hindi kalayuan dito ay may isang kaharian, at mararating mo lamang iyon mula rito sa pamamagitan ng BANGKO na ito. at sa kaharian ay may isang PRINSESA, at ang PRINSESA na yon ay napakapakaganda at napakaputi, maaari mo siyang pakasalan dahil mayroon kang maraming gintong pera na nakukuha sa iyong mahiwagang SUPOT. At dahil mayaman ka na, at puwede kang magdamit ng kagaya ng sa isang Prinsipe sa pamamagitan ng iyong mahiwagang DAMIT,, ay maaari ka na ngayong tawaging Prinsipe``.
Prinsipe Fpj. ``HHmmm, maganda ang iyong iminumungkahi punong nagsasalita. Kung gayon, dahil ako na ngayon ay isang Prinsipe, ako si Prinsipe Fpj, ay hindi na kita kailangan pang putulin puno. Akina ang BANGKO at pupunta ako sa pinakamalapit na kaharian, na may pinaka magandang Prinsesa. Dadalhin ko ang aking SUPOT, isusuot ko ang aking DAMIT na nasa anyong pang Prinsipe. Halika ngayon BANGKO, dalhin mo ako sa pinakamalapit na kaharian, sa may pinakamagandang Prinsesa ngayon din.`` At si Prinisipe Fpj ay dinala ng Mahiwagang BANGKO sa pinakamalapit na kaharian na may pinakamagandang Prinsesa. At nang makita niya ang Prinsesa, naisip niya na tama nga ang sinabi ng punong nagsasalita: Napakapakaganda nga ng Prinsesa, at napakaputi, at bilugan ang muka, at pinakamaganda nga sa lahat ng babaeng nakita na ni Prinsipe Fpj. At si Prinsipe Fpj ay nainlab sa magandang Prinsesa, nahulog ang kanyang loob at naramdaman niya na gusto niyang pakasalan ang magandang Prinsesa.




Chapter II
Ang Prinsesa


Si Prinsipe Fpj ay... (to be continued)